News in Filipino
Headlines
|
Azures, Barawel, Pasok sa Tabaco National High School
Tutulak sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Tabaco sina Mark Anthony Azures At Sunshine Barawel para sa Regional Press Conference matapos na masungkit ang ikalawa at ika apat na pwesto ayon sa pag kakasunod sa katatapos na Division Secondary Schools Press Conference sa San Fernando National High School noong Oktubre 15-16, 2009.
Nasungkit ni Mark Anthony Azures ang ikalawang pwesto sa pagsulat ng Balitang Pampalakasan at Ikaapat na pwesto naman ang iniuwi ni Sunshine Barawel para sa pagsulat ng balita. Bago ito aynapanalunan ni Azures ang ikasiyam na pwesto aT ikalimang pwesto naman si Barawel sa Sectoral Secondary-Schools PressCon sa Barcelonita School of Fisheries noong Oktubre 9, 2009 dahilan upang mapabilang sila sa mga kalahok ng Unang Distrito para sa katatapos pa lamang na Division PressCon. Si Azures ay baguhang manunulat ng DALAMPASIGAN sa Balitang Pampalakasan samantalang si Barawel naman ang siyang Punong Patnugot ng nasambit na pampaaralang ng SLSH. Tutungo sa Mataas na PambaNSANG Paaralan ng Tabaco ang dalawa kasama ang kanilang tagapayo at tagasanay na si G. Randy R. Boitison sa Nobyembre 4-6, 2009 para sa Regional Secondary Schools Press Conference.
|